ISANG MAHALAGANG PAALALA

PARA SA MGA ATING MGA KABABAYAN SA EUROPA

Para po sa mga kababayan nating nagbabakasyon o lumilibot sa bansang Switzerland at mga karatig na bansa sa Europa, pinapayuhan po ang lahat na mag-ingat sa kanilang paglalakbay at sa kanilang mga dala-dalang gamit lalo na sa matataong lugar.

Huwag po sana nating ipagpawalang bahala ang seguridad ng ating mga gamit tulad ng pitaka o ID, at kasama na rin ang ating mga dokumento sa paglalakbay tulad ng pasaporte, ticket sa tren o eroplano.

May pailan-ilan na rin po sa ating mga kababayan ang lumalapit sa Pasaguan para kumuha ng Travel Document para makabalik ng Pilipinas sa kadahilaang nadukot ang kanilang pasaporte.

Kung mangyari man po ito, pinapaalalahan po kayo na sumanguni sa Pasaguan para kumuha ng Travel Document. Ang dokumento pong ito ay kailangan para rin makakuha muli kayo ng pasaporte sa Pilipinas.

Sumanguni po sa website ng Pasuguan para sa mga kinakailangan proseso at dokumento sa pagkuha ng Travel Document tulad ng Affidavit of Loss, kopya ng ticket pauwi ng Pilipinas, at larawan (passport size). Mangyari pong magdala din ng Police Report tungkol sa pagkawala ng inyong pasaporte.

Kung mangyari man po ito, tumawag po sa numero: +41-31-350-1717 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para sa iba pang detalye.

Salamat po.