MAHALAGANG ABISO AT PANAWAGAN
NG PASUGUAN NG PILIPINAS SA BERNE, SWITZERLAND UKOL SA COVID-19
Ika-13 ng Marso 2020
Nanawagan po ang Pasuguan ng Pilipinas sa Berne, Switzerland sa lahat ng mga Pilipinong naninirahan sa Switzerland at sa Principality of Liechtenstein na i-ulat sa Pasuguan ang anumang insidente ng diskriminasyon o pananakit sanhi ng COVID-19.
Sa ganitong uri ng insidente, maging mahinahon at umiwas sa kaguluhan. Bagkus ay i-ulat kaagad ang pangyayari sa pinakamalapit na kinauulang pulisya sa pinangyarihan ng insidente.
Dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa Switzerland, maging lalong alerto sa sitwasyon sa inyong Munisipalidad at Canton. Kung kayo ay na kumpirmang may COVID-19, nais naming i-mungkahi na ipagbigay alam ninyo sa Pasuguan ang inyong kalagayan sa pamamagitan ng pagtawag sa Emergency/Hotline number +41 79 5421 992 o sa pamamagitan ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ang inyong tawag o email ay ituturing na kumpidensyal.
Maraming salamat po!
§§§