MAHALAGANG ABISO AT PANAWAGAN
NG PASUGUAN NG PILIPINAS SA BERNE, SWITZERLAND UKOL SA COVID-19
Ika-23 ng Marso 2020
Dahil po sa patuloy na pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Switzerland at bilang tugon sa malawakang panawagan ng mga awtoridad ng Switzerland na manatili ang lahat sa loob ng kanilang tirahan, ang Pasuguan ng Pilipinas sa Berne, Switzerland ay pansamantalang magsasara sa publiko simula bukas, 24 March 2020.
Kung kayo ay may mahigpit na kagipitan (“emergency cases or situation”), maari po lamang na tumawag sa Duty Officer Hotline bilang +41 79 5421 992 o di kaya’y magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o mensahe sa Facebook account ng Pasuguan ng Pilipinas.
Nanawagan po ang Pasuguan ng Pilipinas na manatili ang lahat ng Pilipinong naninirahan sa Switzerland at Liechtenstein sa loob ng inyong mga bahay at sundin ang tagubilin ng mga kinauukulan sa lahat ng antas, maging Pederal, Kantonal o Munisipyo man.
Maraming salamat po!
§§§