MENU

 

Para sa ating mga kababayan na rehistrado para sa nalalpit na eleksyon ngunit hindi pa nakakatanggap ng kanilang balota, paki tignan sa website ng Embahada ang listahan ng mga botanteng bumalik o hindi naihatid na balota dahil sa maling address.

Kung wala sa listahan ang inyong pangalan, maari lamang tumawag sa Embahada at ipaalam ito sa amin sa lalong madaling panahon.

Patuloy na nakikipag-ugnayan sa COMELEC ang ating Embahada para sa ating mga kababayan ukol sa lahat ng bagay patungkol sa Eleksyon. Hinihiling po namin ang inyong pakikipagtulungan at pang-unawa.

Maraming Salamat po.