Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, inihahandog ng Kagawaran ng Ugnayan Panlabas ang Hulagpos-Hulagpay, isang pagtatanghal ng balagtasan, pagtula at makabagong plataporma gaya ng “Spoken Word” at “Rap Battle” na sasalamin sa realidad ng pagka-Pilipino. Hulagpos o paglaya sa pagkakatali at hulagway, ang paglalarawan sa damdamin sa isang akda o larawang ikinintal sa tula.
Ang tema ng pagdiriwang ay Pagkakaisa sa Pagkaaiba hango sa karanasan ng paglaya sa kaisipang kolonyal at pananakop na iuugnay sa panahon ng pandemya.
Ang pagtataghal ay gaganapin sa Lunes, ika-30 Agosto 2021, 1300H (CET) at mapapanood sa Facebook page ng Kagawaran: http://www.facebook.com/dfaphl