Kgg. Denis Yap Lepatan, kasama ng mga kasapi ng mga lupon ng Pilipino sa Switzerland ay nanood sa palatuntunan ng pagdiriwang.
Kgg. Denis Yap Lepatan, Sugo ng Pilipinas sa Switzerland, ay nagbigay ng mensahe ukol sa
paggunita ng Buwan ng Wika
Ang Pasuguan ng Pilipinas sa bansang Switzerland ay nanguna sa paggunita ng Buwan ng Wika na ginanap noong Linggo, ika-19 ng Agosto 2018. Ang paggunita ay natapat din sa ika-140 kaarawan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng Wikang Filipino.
Sa pagdiriwang, pinasalamatan ng Sugo ng Pilipinas sa Switzerland na si Denis Yap Lepatan ang nya lahat ng ng dumalo at binati din nya ang mga ito ng isang makabuluhang Buwan ng Wika.
Sa kanyang pahayag, sinabi nya na ang para sa taong 2018, minarapat ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na ang tema ng pagdiriwang ay “Filipino: Wika ng Saliksik” bilang pagkilala sa paggamit ng wikang Filipino bilang paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran, lalo na sa agham at matematika. Tinawagan nya din ang lahat na makiisa sa pagpapalawig ng wikang Filipino sa Switzerland sa paraang tulad ng pagtuturo ng ating wika sa kasunod na salinlahing Filipino sa Switzerland. Binigyang diin din nya na ang wika ay isang kasangkapan upang tayong lahat ay makapag-usap at magkaintindihan, upang tayo’y magkabuklod para sa isang layunin lalo na at para sa bayan.
Sa paggunita ding ito, binasa ng tatlong (3) batang Filipino na sina John Michael Ferrer, Orson Gregorio Susvilla, at Leia Alexxa Sto. Domingo ang tatlo (9) sa mga tula ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Ito ay ang Kundiman, Sa Aking mga Kababata, at Awit ni Maria Clara.
Binasa ng tatlong kabataang Filipino ang ilang tula ni Gat Jose Rizal.
Bahagi ng paggunita ng Buwan ng Wika ay ang pagpapakita ng sampung (10) larawan ng tanyag ng Pilipino ng ating kasaysayan. Kasama dito sina Andres Bonifacio, Marciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Jose Rizal, at iba pang mga piling bayani. Ito ay ginanap sa Sentro Rizal na Pasuguan.
May animnapunong katao ang dumalo sa paggunita. - Katapusan